Philippine Travel Guide Banner

          

  Donations

  Blog (Latest Articles)

  About the Philippines

  Bohol Hotels

  Bohol Packages

  Bohol Resorts

  Boracay Island Hotels

  Boracay Package Tours

  Boracay Philippines

  Boracay Resorts

  Cebu Beach Resorts

  Cebu Hotels

  Cebu Pacific

  Cebu Packages

  Cebu Universities

  Manila Philippines

  Manila Tourism

  Palawan Beaches

  Palawan Resorts

  Philippine Airlines

  Philippine Beaches

  Philippine Education

  Philippine Folk Dances

  Philippine Tourist Spots

  Philippine Weather

  Siargao Hotels


 

 

 

 

Bantayan Island: Isang Sekretong Paraiso Sa Timog Bahagi Ng Pilipinas

Sa katimogang bahagi ng Visayas ay matatgpuana ng isang isla na pumupukaw ng interes ng mga Bakasyunista, ito ang Bantayan Island, Philippines. Ayon sa heograpiya, matatagpuan ang islang ito sa kanlurang bahagi at dulong hilaga ng Isla ng Cebu, Kaya itinuturing na Bahagi ng Cebu ang islang ito.

Binubuo ng 3 munisipalidad ang Bantayan Island:

* Bantayan
* Madridejos
* Santa Fe

At ayon sa 2000 census ang isla ay may populasyon na 120,101 na mamamayan. Ang islang ito ay kilala bilang tropiko na paraiso kung saan ang mga baybayin ay binubuo ng mapuputing buhangin at ang dagat ay malakristal, malinaw at asul. Ang islang ito ay parang isang lugar mula sa isang post card. At itinuturing na 'semi-secret island' at ang islang ito ay bahagya pa lamng nadidiskubre sa katunayan may iilan lamang na malalaking hotel ang islang ito. Karaniwan matatagpuan ang likas na yaman at kagandahan ng isla sa baybaying dagat nito kung saan kinikilala itong pinakamagandang lugar sa rehiyon at isa sa buong bansa.

Para sa mga dumadayo dito, ang halaga ng pagtigil sa mga cottages dito nang isang gabi ay $5USD hanggang $40 USD at kung mas magandang lugar ang hanap umaabot din ang presyo nito ng $100++ sa South Sea studio villa. At kung gusto naman ng mas maganda na lugar at makapagrelax, lalo na ang gusto mag honeymoon sa isang magandang lugar aabot ng $240USD. Masasabing ang islang ito ay para sa lahat depende sa budget.

Kapag pinaguusapan ang Bantayan Island, sentro ng paguusap nito ay ang maganda at malinis na babayin at malilinaw na kulay asul na dagat. Sa munisipyo matatagpuan ang sentro ng lahat ng ito. Dito matatagpuan ang magkakalapit na mga hotel at resort na may kanya kanyang baybayin. Sa Sante Fe matatagpuan ang pinakamagagandang dagat sa buong Isla ng Cebu.

Kilala din ang islang ito bilang 'egg basket' dahil sa malaking industriya ng itlog sa isla. Kayang lumikha na kalahating milyon na itlog sa loob ng isang araw ang industriyang ito na nagtutustus sa buong isla ng Cebu at umaabot sa Negros, Panay at Leyte. Kilala din na Kristiyano ang islang ito at dito matatagpuan 405 taong gulang na simbahan. Dito rin matatagpuan ang bahay ni Anun Escario na 1 at kalahating siglo na ang itinagal. Maari din pasyalan ang Ogtong Cave at iba pang sinaunang kuweba na ginawang tagu-an ng mga sandatahang lakas ng mga Kastila. Hindi lamang kilala ang Bantayan Island bilang isang destinasyon ng mga bakasyunista, dito rin makikita ang pinkataimtim na pananampalantaya, dinadayo ang kanilang prosisyon sa islang it tuwing Mahal na Araw, kaya lagging inaasahan ang pag taas ng presyo ng mga resort at hotel.

Dito matatagpuan ang naghalohalong mga wika ng mamamyan at ang ilan dito ay ang mga sumuunod:

* Ilonggo
* Waray
* Cebuano, na medyo kakaiba sa mga Cebuano sa lungsod ng Cebu.

Ang pagkain din ang isa sa mga dahilan kung bakit sikat ang islang ito. Halimbawa ng mga pagkain na ito ay ang tuyong isda at pusit. Ngunit meron din naman Thai, Japanese at European na pagkain ang isla. At syempre hindi mawawala ang mga pagkaing pandagat.

Pangunahing pamumuhay ng mga tao dito ang pangingisda at ang pagnegosyo ng 'rock phosphate at pag mina na 'limestone'.



       FREE NEWSLETTER

Sign up for the FREE Newsletter
to receive latest updates
and articles on popular Philippine destinations, hotels & resorts,
beaches, recipes and much more.

Name:
Email:
Don't worry -- your e-mail address is totally secure. I promise to use it only to send you Philippine Travel Guide Insider Alert Newsletter.



Subscribe To
Subscribe To This Site

XML RSS
Add to Google
Add to My Yahoo!
Add to My MSN
Add to Newsgator
Subscribe with Bloglines

 

 

 

 

  © Copyright 2007. Philippine Travel Guide. All Rights Reserved. Powered by SiteSell.com. Reproduction in whole or in part without permission is prohibited. Most external sites will open in a new window;not endorsed by philippine-travel-guide.com