|
Binibining Pilipinas Tinatanghal Ang Totoong Kagandahan Ng Pilipina
Binibining Pilipinas ay ang pinaka prestihiyosong patimpalak ng mga kababaihan sa Pilipinas, at ang pagkilala at pag korona sa mga natatanging babae ang isa sa mga inaabangan ng buong bansa. Mahal ng buong bansa ang mga natatanging kagandahan ng mga Pilipina at gustong gusto ng mga ito ang masuportahan at palakpakan ang mga candidatang ito. At ang mga babaeng kinilala at nagwagi sa patimpalak na ito ay siyang napilng kumatawan sa Pilipinas sa pandaigdigang Patimpalak ng Kababaihan. Tulad ng mga sumusunod: * Miss Universe Beauty Pageant Ang Miss Universe Pageant ay isa sa mga pandaigdigang patimpalak kung saan maipagmamalaki ng Pilipino ang mga Kababaihang naguwi ng karangalan at tagumpay para sa bansa. Ang Binibining Pilipinas ay unang itinatatag ng mga tagapangasiwa nito, hindi upang maipakita lamang ang kagandahan ng mga Pilipina kundi ginanap ito upang magkaroon ng pondo ang mga kasapi ng patimpalak at matulungan ang mga nangangailangan tulad ng mga ulilang bata at mga pamilyang naghihirap sa bansa. Ang Binibining Pilipinas ay opisyal na prangkisiya ng Miss Universe simula pa noong 1964. At sumunod nito ay ang pagiging prangkisiya ng Miss International noong 1968 at ang pinakahuling nadagdag ay ang Miss World noong 1992. Si Stella Marquez Zawadski o Stella Marquez de Araneta ay ang punong tagapangasiwa ng prestihiyosong patimpalak ay dati rin isang kalahok sa pandaigdigang patimpalak, siya ang Kumatawan bilang Miss Colombia at isa rin sa mga nanguna sa Miss Universe. Si Binibining Araneta rin ang itinanghal na pinakaunang nanalo na Miss International noong 1962. Ang Organisasyon na sumusuporta sa patimpalak na ito ay tunay na malikhain sa dahilang maraming Pilipina ang galing sa patimpalak na ito at nag uwi ng karangalan sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay si Gloria Diaz nagwagi bilang Miss Universe 1969 at sumunod sa kanyang yapak si Miss Maria Margarita Moran bilang Miss Universe 1973. Apat na Pilipina din ang naguwi ng karangalan sa Pilipinas mula sa Miss International. Sila ay ang mga sumusunod:* Miss Gemma Cruz in 1964 Organisasyong mapaglingkodIpinagmamalaki ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI) na ang isang prestihiyosong patimpalak na tulad ng Binibining Pilipinas ay ginaganap hindi para sa pansariling tagumpay kundi ang makatulong sa mga nangangailangan. Sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD inihahandog ng BPCI ang kinikita ng patimpalak sa mga organisasyong kumakalinga sa mga naulilang bata at mga pamilyang higit na nangangailangan. At ang mga kalahok na nagtamo ng titulong Binibining Pilipinas ay tumutulong rin sa mga biktima ng kalamidad. Pinapatunayan lamang nito na ang totoong kagandahan ay makikita sa pakikipagkapwa tao.
Have A Great Story About This Topic?Do you have a great story about this?
|
|