|
Dance Sayaw Ng PilipinoDance sa salitang Ingles at Sayaw naman sa salitang Pilipino, ito ay nagsasalarawan ng mga galaw na nagagawa ng isang tao upang maipakita ang emosyon, maaari rin itong isang pangkat ng mga galaw na inihahandog sa isang pagsasalo, selebrasyon o pang espiritwal na pagdiriwang.
Ginagamit din ang sayaw bilang paraan ng paguusap na walang lumlabas na salita sa pagitan ng dalawang tao. At ang taong gumagawa nito ay tinatawag na 'mananayaw', ang paggawa nito ay tinatawag na 'pagsayaw' at ang paggawa ng mga galaw na gagamitin sa sayaw ay tinatawag na 'koreograpiya'. Ang Sayaw ay isang mahalagang usapin sa Pilipinas,Isa ito sa humubog ng kultura at pagkakakilanlan ng bansa.Ang mga sayaw ng Pilipinas ay nabuo mula sa mga impluwensya ng Western at Oriental na mga kultura. At dahil sa dami ng bansa napinagmulan ng mga sayaw na ito, mahirap maipaliwang ang tunay na kahulugan ng mga sayaw ng Pilipinas. Karamihan ng mga sayaw ng Pilipinas ay galing sa impluwensya at modelo ng mga kastila sa panahon ng pananakop. Ang mga sumusunod ang halimbawa ng mga sayaw na nagmula sa impluwensya ng mga Kastila;* Pandanggo sa ilaw Ang mga sumusunod ay mga sayaw na kilala sa buong kapuluan ng Pilipinas:* Binasuan. Ang sayaw na ito ay nagmula sa Pangasinan kung saan ang ibig sabihin ng pangalan na Binasuan ay ang paggamit ng baso. Ang mananayaw ay gumagamit ng baso na may lamang alak at ibinbalanse ito sa kanyang ulo habang nagsasayaw. Madalas ito isinasayaw tuwing may espesyal na okasyon tulad ng Kasalan at piyesta * Itik-itik. Ay kilalang saya wng Pilipinas, sinasabing una ito napanood sa Surigao del Norte. Sinasabing isang babae ang nagsasayaw at nang kinalaunan ay nagumpisang gumawa ng sariling mga galaw, at ang mga galaw na ito at katulad ng mga galaw ng pato o 'itik'. At dahil bago at maganda ang sayaw ng dalaga, ginaya ang dalaga ng mga panauhin at nagging sayaw na ito. * Tinikling. Ang sayaw na ito ay kilala bilang pambansang sayaw ng Pilipinas. Binubuo ang sayaw ng dalawang mananayaw na tumatalon at umiiwas na matamaan ang mga paa ng dalawang kawayan na naguumpugan. Orihinal na nakilala ang sayaw na ito sa Leyte. Ayon sa mga manunulat ang sayaw ay kahalintulad sa galaw ng mga 'tikling' na ibon * Maglalatik. Isa rin itong sayaw ng Pilipinas kung saan nagsasalarawan ito ng kuwento ng digmaan sa pagitan ng mga Moro at Kristiyano. ***C2_invitation_22709463***
|
Share
|