|
Filipino DVDAng mga pelikulang Pilipino ay maaaring mapanood kahit kalian at kahit saan sa pamamagitan ng pagbili ng mga DVD na kopya nito.
Mataas ang kalidad nito at mura. Siguraduhin lamang na ang binibili ay orihinal dahil ang pagbili ng mga pirated na DVD ay illegal at pagnanakaw. Hindi kumikita ang mga kumpanyang gumgawa ng mga pelikula mula sa mg pirated DVD, kaya tumulong sa industriya ng pelikula at bumili lamang ng orihinal na DVD. Dahil maaaring mura ang pirated ngunit hindi naman maganda kalidad at madali pa itong masira. Kasaysayan ng pelikulang Pilipino > Ang pelikula ay bahagi na ng istilo ng pamumuhay ng Pilipino. Maging banyaga o Pilipino man amg pelikula naaakit talaga nito ang panlasa ng mga Pilipino. May iba't ibang klase ng pelikulang Pilipino; may aksyon, suspense, thriller, lovestory, pampamilya at minsan pang kathang isip. Ngunit sa lahat ng ito pinakamalakas ang hatak ng romantic-comedy sa mga Pilipino, ito ay sa kadahilanang ang mga Pilipino ay naniniwala sa pagibig at masayang pagtatapos. > Maraming pelikulang Pilipino ang umaani ng mga papuri hindi lamang sa loob ng bansa pati narin sa ibang bansa. Patunay lamang ito na kayang gumawa ng mga Pilipino ng mga pelikulang pang 'world-class'. Pinakaunang pinalabas ang pelikula sa Pilipinas noong 1919 kung saan walang maririnig na tunog mula dito at walang kulay. Habang umaakyat ang kalidad ng pelikula sa ibang bansa hindi naman nagpahuli ang Pilipinas, nakisabay ito sa pagbabago at nagumpisa sila gumawa ng pelikula na may binibigkas na ang mga artista nito. Hanggang lumabas ang mga pelikulang makukulay at ito ang nangibabaw sa mga sinehan. > Noong taong 1950, lalong lumago ang industriya ng pelikula, ito ang panahon nag pagtatapos ng Ikalawang Pandaigdigang digmaan at panahon ito nang pagbangon. Ang mga pelikulang nagawa ng panahong ito ay sumasalamin sa mga nangyari noong digmaan. At dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa mga pelikulang ito, nabuhayan ng loob ang mga artista at director na gumawa pa ng mas marami at de-kalidad na pelikula. > Sa panahong ito unang itinatanghal ang mga parangal sa mga pelikula layunin nito ang magbiagy inspirasyon sa mga Pilipino na gumawa pa ng mas marami at de-kalidad na mga pelikula. At di nga nagtagala y umani ng mga parangal ang Pelikulang Pilipino mula sa ibang bansa. At kinilala ang Pilipinas bilang pinakamagaling sa pelikula sa buong Asya. Ngunit matapos ang dekadang ito lumabas ang mga pelikula mula sa ibang bansa na nagpapakita ng karahasan at ito ay pinigilan na maipalabas sa Pilipinas. Maraming Pilipino ang hindi natuwa nito, kaya sumubok din gumawa ang Pilipino ng mga pelikula tulad ng Kung Fu, Samurai at James Bond, Ngunit hindi ito pumatok sa panlasa ng mga Pinoy, dahil sa panahong iyon hinahanap parin ng mga panauhin ang orihinal na bersyon. Subalit meron din naming pelikulang pumatok tulad Ng Jose Rizal, na kuwento ng buhay ng Pambansang Bayani. > Pagkatapos ng panahong iyon ay dumating ang Martial law kung saan kontrolado ang lahat. Ngunit pagkatapos naman ng panahong iyon muling nagbalika ang pelikula kung saan minsan makikitang hindi pantay ang pagsasalarawan ng Pilipinas bilang bansa. Ang mga Pilipino ay galit sa mga taong nagtatag ng Martial Law. Noong panahon na ito umaabot lamang nang isang libo ang mga sinehan sa buong bansa. Maraming mamamayan ang pumupunta ng sinehan upang mapanood ang mga palabas na nais nila panoorin. Sa Metro Manila umaabot ng 3 milyon ang mga manonood dito. May mga dokumentaryo, bagong subok na palabas meron din naming konting animasyon. Ngunit nangunguna pa rin ang ibang bansa sa mga palabas na ito dahil sa mga kagamitan nila. Ngunit hindi ito pumigil sa mga Pilipino na panoorin ang sariling pelikula. Sinasabi na ang mga pelikulang Pilipino ay sumasalamin sa kultura ng Pilipino. At pinapakita ng mga palabas na ito ang kakayanan ng mg Pilipino sa sining. ***C2_invitation_22709463***
|
Share
|