|
Filipino Painters Uses Their Craft To Advance National Identity
Katulad din nang ibang Pilipino na bahagi ng sining, ang mga Pilipinong pintor ay kadalasan may impluwensya ng mga Kastila at ito ay dahil sa panankop ng mga kastila sa Pilipinas na umabot ng 300 na taon, At masasabi na ang pinakamalaking impluwensya ng mga Kastila sa Pilipinas ay ang pananampalataya. Sa haba ng panahon na nasa ilalim ng pamumuno ng mga KAstila ang Pilipinas hindi nakakapagtaka na ang kultura at sining ng Pilipinas ay may kahalintulad sa bansang mananakop. Mapapansin sa mga pinta ng mga sinaunang pintor ang mga relihiyosong imahe at minsan makikita rin sa mga pintang ito ang mga konting pagbabago na tulad ng mga Intsik at Malay at minsan naming din ay nagpipinta ang mga pintor ng kung tawagin ay 'baroque' kung saan mas detalyado ang bawat guhit ng larawan. Ang mga unang pintor ng Pilipinas ay nagsimulang magpinta noong kalagitnaan ng taong 1880 kung saan pangunahing tema ng mga pintor ay ang relihiyon. Ito ang dekada kung saan nakilala ang mga pintor na sila Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo kung saan nakilala sila sa mga katangi-tanging pagpipinta nila. Sentro ng mga pinta nila ay ang mga romantiko at impresyonistang istilo kung saan kinilala ang kanilang mga gawa sa Europeo. * Juan Luna. Ay ang kilalang pintor ng 'Spoliarium'. Kinilala at pinarangalan ang pinta na ito ni Juan Luna kung saan nanalo ng Ginto bilang nanguna sa patimpalak ng mga pintor sa Madrid Exposition noong 1884. Sa kasalukuyan ang orihinal na larawan na ito ay matatagpuan sa National Museum ng Maynila. Una ito naibenta noong unang panahon sa Diputacion Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas. Kung ang isang tao ay pupunta ng National Museum unang mapapansin niya ang pintang ito na may sukat na 4 na metro ang taas at 7 metro ang lapad. Makikita sa larawang ito ang sentro ng kamara ng Arena ng Romanya kung saan may mga bangkay ng mga manlalaban o 'gladiator' na hinihila papuntang madilim na parte ng larawan. Kilala ang mga gawa ni Juan Luna dahil sa paggamit nito ng mga kulay hindi lamang upang ilarawan ang mga kulay kundi pati narin ang pagpapakita ng kahalagahan. Isinasalarawan ng 'Spolarium' ang pakikipaglaban ng mga Pilipino upang lumaya sa pananakit at abuso ng mga mananakop nito. * Felix Resurreccion Hidalgo. Ay isa din sa mga pintor na nakilala noong 1800, kasama siya ni Juan Luna sa Madrid Exposition kung saan sya ay pumangalawa kay Juan Luna. Ang mga larawang naipipinta ng mga pintor noong 1800 ay sumsagisag sa tootong kahalagahan ng mga pangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila. Gingamit ng mga Pilipinong pintor ang temang ito upang maipakita sa mga kapwa Pilipino at sa ibang bansa ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop. 1990 ng nagbago ng istilo ang mga pintor at mas lumawak ang kanilang tema sa pagpipinta kung saan nagumpisa silang magpinta ng mga likas na yaman at mga tanawin sa bansa. Ito ang dekada kung saan nakilala ang mga pintor na sila Fernando Amorsolo, Fabian de la Rosa at Jorge Pineda. * Ferndando Amorsolo. Siya ang kinikilalang pinakaimportanteng pintor ng bansa. Kilala ang kanyang mga gawa na naglalarawan ng mga tanawin sa bukid at tila maliliwanag na pinta ng tanawin. Paboritong paksa ng pintor ang mga kagawiang Pilipino, kultura at mga piyesta. Ayon sa karamihan ang mga gawa ng pintor na ito ay sumasalarawan ng tunay na Pilipino. Sa pagtatapos ng taong 1920, nakilala ang pangalan na Victorio Edades. Siya ay isang pintor na nagpakilala ng modernisasyon sa sining ng pagpipinta sa Pilipinas. May mga pintor din na matindi ang impluwensya ng mga Amerikano at Europeo sa mga gawa nila. Halimbawa ng mga pintor na ito ay ang mga sumusunod; Carlos Francisco, Arturo Luz, AnitaMagsaysay-Ho, Vicente Manansala at Hernando Ocampo.
|
|