|
Insignya Ng Pilipinas: Sagisag Ng Kultura At Pagkatao
Ang simbolo ay isang paglalarawan sa mga bagay at pananaw, at kahalintulad nito ang mga Insignya ng Pilipinas. Ang mga simbolo ng bansang ito ay ang tugman lumalarawan kung ano ang Pilipinas bilang isang bansa, kultura, at maging ang mamamayan nito. Bahagyang maituturing ang mga simbolong ito bilang isang pansariling konsepto at katibayan ng isang bansa upang tumayong sagisag. Nilalayon ng mga Pambansang simbolo nang Pilipinas ang pagkaisahin ang mamamyan ng bansa sa pamamagitan ng mga Insignya kung saan inilalarawan nito ang mga mamamyan, paniniwala, kaugalian at kasaysayan. Minsan din gingamit ang mga insignya na ito upang ipakita ang pagmamahal sa bayan. Tulad ng mga sumusunod ang tradisyonal na simbolo sa mga iba't ibang bansa:* Watawat * 'Bahay Kubo'. Ito ay isang klase ng bahay kung saan makikita sa Pilipinas, Ang bubong nito any gawa sa Nipa hut at ginawa itong halos bukas na bukas upang makapasok ang simoy ng hangin. Kahit maliit lamang ang bahay na ito kaya naman nito labanan ang mga bagyo na dumadaan sa bansa. At ang mayayabong na bubong nito ay nagsisilbi din lilim. * 'Sampaguita'. Ito ang kinikilalang pambansang bulaklak ng Pilipinas simula pa nang taon 1934. Katulad din ito ng Pambansang bulaklak ng Indonesia * Philippine Eagle. Itinuturing na pambansang ibon ito na minsan na rin tinawag na Monkey-eating Eagle, naninirahan ito sa kagubatan ng Pilipinas at ayon sa pagaaral nanganganib nang maubos. Sa Kasalukuyan ay my 500 bilang na lng ng ibon na ito. * Carabao. Kilala bilang Kalabaw sa mga lokal na mamamayan. Isang klase ng hayop na katuwang ng mga magsasaka sa pagtatanim at kargador din na mga inaani ng mga magsasaka. * Narra. Ang PAmbansang Puno ng bansa. Ito ay malaki at mayabong, madalas ito makikita sa Mindanao, Cagayan Valley at Bicol. Kilala ang punong ito dahil matibay. * Barong Tagalog. Sinasagisag nito ang klase ng pagkatao ng mga Pilipino kung damit ang paguusapan, Ang Barong Tagalog ay maluwag at presko. Ang tabas nito ay kahalintulad ng mga Indo-Malay, Ngunit wala lamang maraming palamuti. Sa haba ng panahon mula nang ito ay nagawa hanggang ngayon ganoon pa rin halos ang tabas nito. * Maria Clara. Ang Maria Clara ay sumasalarawan sa tunay na Pilipina. Maituturing na galling sa libro ni Dr. Jose Rizal Ang pangalan nito kung saan ang tauhang si Maria Clara ay simbolo ng isang babaeng puro at simple. Ngunit ang pagkakagawa mismo sa damit ay maituturing na sining.
|
|