|
Kasaysayan Ng Salapi Ng PilipinasAng kinikilalang salapi ng Pilipinas ngayon ay binase sa pinakaunang salapi ng Pilipinas kung saan ito ay nilikha kagaya ng pilak na barya ng mga kastila na kung tawagin ay 'Real de a Ocho', kilala din ito bilang Spanish dollar, kung saan ito ay umiikot din sa America at Timog Silanggan ng Asya.
Ang unang Philippine peso ay basehan nang kasalukuyang salapi ng Pilipinas ay naitatag noong ika-1 ng Mayo, 1852. Ito rin ang panahon nang naitayo ang Banco Espanol-Filipino de Isable II sa Pilipinas. Ang mga salapi na ipinalabas ng bangkong ito ay kinilala hanggang ika-17 ng Oktubre, 1854. Ang mga peso na pinalabas ng bangko ay limitadong ginagamit, madalas lamang magamit sa mga pangbangkong transaksyon. Pinalitan ng mga Peso na ito ang real na dating salapi ng Pilipinas. Nanatiling gamitin ang peso hanggang 1886 at kasabay nito ang Mexican coins. Ang salapi ng Pilipinas ay naitalaga bilang peso at ang isang peso ay binubuo ng 100 sentimos. Bago dumating ang taong 1967 lahat ng mga nakasulat sa salapi ng Pilipinas ay nasa wikang Ingles ngunit pagkatapos ng panahon na ito ay pinalitan na ito ng wikang Filipino. Ang kasalukuyang barya ng Pilipinas ngayon ay 'minted' binubuo at gingawa sa Security Plant Complex. Bukod sa barya ang plantang ito ay gumagawa din ng mga sumusunod:. Bank notes Ang mga sumusunod ay ang mga baryang umiikot sa Pilipinas:. 5 sentimo Ang perang papel na kasalukuyang ginagamit ng bansa ay kahalintulad ng mga pera na ginagamit ng Banco Espanol-Filipino de Isable, Kilala sa panahon ngayon na Bank of the Philippine Islands. Sa panahong 1800s, nag isyu ng perang papel ang bangkong ito ng 10, 25 and 50 pesos na kilala din sa pangalang Fuertes at noong 1896, nagdagdag ng 5 perang papel. At noong 1877 pinalabas ang perang papel na 1,4 at 25 pesos sa Pilipinas. Sa panahon ng digmaan sa pagitan ng kastila at Amerikano nagdagdag ng 1 at 5 peso perang papel at nakasulat sa mga perang ito ay ang Republika Filipina. Pinakilala din ang pilak na sertipiko kung saan ito ay ginamit sa Pilipinas mula 1903 hanggang 1918. 1904 nang nagpalabas ng maraming denominasyon ng perang papel ang Banco Espanol-Filipino, ang bangkong ito ang pinakamalaki at kilalang bangko noong 1800s at dito rin nagmumula ang salapi ng bansa. Noong 1912 nagpalit ng pangalan ang bangkong ito at kinilala bilang Bank of the Philippine Island at nagpatuloy ito sa pagisyu ng salapi hanggang 1933. The Philippine National Bank ang sumunod na naitatag na bangko noong 1916 kung saan nagpalabas din sila ng salapi na may denominasyon na 2,5 at 10 pesos. Pinakilala din ng PNB ang 'emergency notes' noong 1917. At sa pagitan ng taong 1918- 1937 nagpalabas na din ng iba't ibang denominasyon ng salapi ang bangkong ito. At sa panahon ng Hapon ay nagpalabas din ito ng dalawang klase ng salapi. Taong 1949 ng naitatag ang Central Bank of the Philippines kung saan lahat ng paggawa ng mga salapi ng Pilipinas ay nailipat. At ang mga unang perang papel ay nagmula sa Victory Treasury Certificates. Sinundan ito ng pagpapalabas ng iba pang perang papel at mga barya na ginamit ng bansa. Ito rin ang panahon kung saan wikang Ingles ang ginamit sa mga salitang nakaukit sa mga perang papel at barya, at noong 1967 ibinalik sa wikang Filipino ang mga ito. This was the time when English was the language used on the coins and the banknotes in circulation in the country but by 1967, the Central Bank of the Philippines used the Filipino language on its coins and banknotes. Ang mga sumusunod ay ang mga perang papel na gingamit sa bansa:. 20 pesos
Have A Great Story About This Topic?Do you have a great story about this?
|
|