|
|
Legazpi City
Kasaysayan ng Lungsod ng Legazpi
Ang Lungsod ng Legazpi ay nagmula sa pangalan ng isang Kastilang mananakop na si Miguel Lopez de Legazpi, kung saan sinakop niya ang lungsod na ito noong taong 1565. Nagmula ang pangalang Legazpi sa Guipizcoa, Spain. Ang dating pangalan ng Legazpi ay Banuang-gurang o Binanuahan kung saan binubuo lamang ang lungsod ng mga maliliit na kubo na gawa sa nipa at rattan.Ito ang sinsabing sinaunang bayan ng Legazpi. Sa kabilang dako naman ay ang , Sawangan, nasa hangganan ng Sabay ang bayan ito at nasa baybayin na puno ng mga bakawan at ito ang naging Albay. Naging Lungsod ang Legazpi sa pamamagitan ng Becerra Law kung saan ang mga municipalidad nang Legazpi, Daraga at Albay Nuevo ay ginawang Ayuntamiento de Albay. Nang dumating ang mga Amerikano pinawalang bisa ang pagiging Lungsod ng Legazpi sa ilalim ng Republic Act No. 306, Pinagisa ang Daraga at Legazpi upang mabuo ang isang rehiyon at muli itong itinatag na Lungsod noong1948 at ito ay ulit pinawalang bisa noong Hunyo 8, 1954 dahil sa paghihiwalay ng dalawang munisipalidad. At sa huling pagkakataon naging opisyal na lungsod ang Legazpi noong ika-12 ng Hunyo 1959 sa ilalim ng panukalang R.A 2234 at R.A. 5525. Habang ang Daraga naman ay isang teritoryo ng Legazpi sa ilalim ng P.D. 125
Kultura at tradisyon ng Legazpi.
Napanatili ng Legazpi ang kuktura at tradisyon ng lungsod sa pamamagitan ng taonang pagdiriwang na Ibalong Festival. Ang kapiyestahan na ito ay isang pagdiriwang na sekular at kilala sa Rehiyon ng Bikol. Ang pagdiriwang na ito ay ginganap tuwing Oktubre kung saan dindayo ng ma turista ang lungsod na ito upang masaksihan ang pagdiriwang. Kasabay ng Pandaigdigang Pagdiriwang ang piyestang ito ng 'Octoberfest'. Kaya kahit nasa Legazpi, siguradong kaisa ka sa mundo sa pagdiriwang. Isa sa pinakasasabiakng bahagi ng pagdiriwang ay ang parade kung saan nagsusuot ng mga kahanga-hangang maskara at kasuotan ang mga partisipante upang isalarawan ang kasaysayn ng mga bayning sina; Baltong, Handyong at Bantog. Sa pagdiriwang na ito ipinagmamalaki ng mga Legaspenos ang kanilang mga malikhaing gawa, kultura, tradisyon at mainit na pagtanggap sa mga kapwa Pilipino at Dayuhan. At ang isa pang taonang pagdiriwang ay ang Magayon Festival. Ipinaparada rin dito ang makukulay na kultura at tradisyon ng rehiyon. Ipinagdiriwang ang piyestang ito tuwing buwan ng Mayo, kaya kaabang-abang ang mga pagdiriwang at kasiyahan dito tuwing gabi. May mga sayawan at iba't ibang pagtatanghal sa mga plasa dito at puwede manood habang kumakain at nagiinoman.
Mga ipinagmamalaki ng Legazpi:
Ang lungsod ng Legazpi naman ang isa sa dinarayo ng maraming turista sa rehiyon ng Bikol dahil sa Bulkan ng Mayon. Lagi itong dinrayo ng mga turista at Pilipino dahil sa ganda ng hugis cone ng bunganga ng bulkan at halos perpektong hugis ng bulkan na walang katulad sa buong mundo.
Ang Mga sumusunod ay ang mga magagandang tanawin;
* Albay Park And Wildlife - Ang lugar na ito ay pinamamahayan ng 347 na iba't ibang klase ng hayop at ang iba dito ay nanganganib nang maubos. Dinadayo rin ang lugar na ito ng mga nais lang mamasyal at magpiknik.
* The Liberty Bell -Ay gawa mula sa tanso at itinatag ito ng mga Amerikano noong 1945 sa ilalim ng American Liberation. Matatagpuan ito sa Penaranda Park na katapat ng gusali ng kapitolyo ng probinsya.
* Potpot Tunnel - Ay kinilalang Japanese Tunnel, may lalim ito ng 7 ft. at 40 na metrong haba. Nagsilbi itong arsenal para sa mga Hapones noong ikalawang pandaigdigang digmaan.
* Magayon Art Gallery - ay matatagpuan sa loob ng gusali ng kapitolyo ng Probinsya. Matatagpuan ditto ang iba't ibang pinta na gawa ng sikat na mga pintor at mga antigong mula pa noong panahon sa Espanyol.
* Legazpi City Museum - Ang tanging Museo sa Legazpi kung saan naipapakita ang mga kagamitan na nagmula pa sa panahon at kultura ng Legazpi.
* Bicol Heritage Park - ay matatagpuan sa loob ng PNP headquarters, Camp General Simeon Ola.
* Lignon Hill - ito ang pinakamagandang lugar na mapuntahan upang makakuha ng magandang tanawin ng Bulkan ng Mayon. Matatagpuan ito malapit sa Parke ng Albay, Wildlife at ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).Kung saan pinagaaralan ang bulkan ng Mayon.
* The Sleeping Lion o Kapuntukan Hill - Ang lugar na ito ay magandang puntahan upang Makita ang Albay Gulf at ang buong Legazpi Port District.
* Embarcadero - ay ang bagong gusali na inaasahang magaangat ng industriya ng Legazpi kung saan dito mamahay ang iba't ibang negosyo, kainan, pamilihan at mga hotel at spa.
* Regional Government Offices - Dito sa bakurang ito namamahay ang mga opisina ng mga kagawaran na panggobyerno, tulad ng mga DOST, RTC at NTC matatagpuan ito sa Rawis, Legazpi City.
* Pacific Mall - Ang nagiisang pinakamalaking mall sa Bikol.
Marami pang magagandang tanawin, paaralan, kainan at iba pang pasyalan. Ngunit ito ay nagpapatunay lamang na ang lungsod ng Legazpi ay isang lungsod na kaaya-ayang puntahan lalo na at ang mga mamamayan ditoo ay mababait at handang ibahagi kung ano ang meron sila, kultura, tradisyon at Wika.
***C2_invitation_22709463***
|
Share
FREE NEWSLETTER
|
Sign up for the FREE Newsletter
to receive latest updates
and articles on popular Philippine destinations, hotels & resorts,
beaches, recipes and much more.
Don't worry -- your e-mail address is totally secure. I promise to use it only to send you Philippine Travel Guide Insider Alert Newsletter.
|
>
Subscribe To
Subscribe To This Site
|
|
|
© Copyright 2007. Philippine Travel Guide. All Rights Reserved. Powered by SiteSell.com. Reproduction in whole or in part without permission is prohibited. Most external sites will open in a new window;not endorsed by philippine-travel-guide.com |
|