|
Maglalatik- Sayaw Ng Digmaan Sa Pagitan Ng Mga Moros At Kristiyano
Makulay at malikhain; Ito ang mga katangian na maitatawag sa mga sayaw ng Pilipinas na sumasalamin sa kultura ng bansa. At isa sa mga halimbawa at pinagmamalaki ng sayaw ng Pilipinas ay ang "Maglalatik" kung saan huling huli nito ang kagandahan at tradisyonal na sayaw, mula sa simpleng galaw nito, pinapakita nito ang makulay at malikhaing sayaw. Kilala din ang sayaw na ito bilang mambabao na ang ibig sabihin ay paggamit ng bao, Mapapansin kasi na ang sayaw ay umiikot sa pagsasayaw na gamit ang bao at ang musikang gingamit ay nagmumula din sa mga bao na ginagamit. Ang sayaw na ito ay nagsasalarawan ng isang digmaan sa pagitan ng mga Moros at Kristiyano nang dahil sa "latik". Ang Latik ay ang latak ng gata ng niyog matapos itong lutuin. Binubuo ang sayaw ng apat na bahagi. Ang una at pangalawang bahagi ay tinatawag na "palipasan" at "baligtaran". Sa mga bahaging ito pinapakita ang digmaan laban sa dalawang grupo. At ang dalawang natitirang bahagi ay tinatawag na "Paseo" at "Sayaw Escaramusa" sa bahaging ito pinapakita ang pagaayos ng dalawang grupo. Ang dalawang gurpo ng mananayaw ay binubuo ng mga lalake at na hinati sa dalawang grupo na Moros at Kristiyano. Gingamit sa sayaw ang bao kung saan sila ay dalubhasa. Ang mga bao ay kinakabit sa iba't ibang bahagi ng katawan: sa dibdid,sa likod, hitas at balakang, may hawak din silang bao sa kanilang mga kamay habang nakakorteng triangulo. Sa pagsasayaw ginagamit nila ang mga bao sa pagtapik ng ibang bao sa ibang bahagi ng katawan nila, at sa pagtapik ng mga bao, lumilikha ito ng tunog na sumasabay sa sayaw. Sa sayaw na ito ang grupong kumakatawan sa Moros ay nagsusuot ng pulang pantalon at ang mga Kristiyano naman ay nagsusuot ng asul na pantalon. Ang sayaw na ito ay binubuo ng simpleng pagsasayaw at paulit-ulit lamang. ANg mga sumusunod ay ang paraan ng pagsasayaw: * Unang antas ay ang pagtakbo ng mabagal sa bilang na 6-8 papuntang gitna ng entablado. Ayon sa mga mananalaysay ang Maglalatik ay nagmula sa Laguna kung saan kadalasan itong sinsayaw sa pyesta ng Biñan. Ang sayaw ay kadalasan isinsagawa tuwing prosisyon sa kalsada. Ang sayaw na ito ay paghahandog sa patron ng San Isidro de Labrador.
|
|