|
Makukulay At Kaaya-ayang Sayaw Ng Binasuan
Ang mga tradisyonal na sayaw ng Pilipinas ay kilala dahil sa kakaiba at kagandahan ng pagkalikha nito, at isa sa mga ito ay ang sayaw na Binasuan. Ang sayaw na ito ay naitanim na sa kultura ng mga lokal na Pangasinense sa Probinsya ng Pangasinan. Ang salitang binasuan ay ay nagsasalarawan sa pagamit ng inuming baso habang nagsasayaw at una itong nakilala sa Bayamabang isa sa mga bayan ng Pangasinan. Ipinapakita ng sayaw na ito ang kaaya-ayang pagsayaw ng mananayaw habang sinsabayan ng balanse at kahusyan sa pagsasayaw nito. ANg pagsasayaw ay ginagamitan ng tatlong baso na may kalahating tubig, ang unang baso ay inilalagay sa ulo at ang dalawang baso naman ay sa mga palad, mula dito ipinapakita ng mananayaw ang kanyang pagkadalubhasa sa pagbalanse ng mga baso habang sumasayaw at hindi matapon ang tubig o baso mula sa kinalalagyan ng mga ito. Nakaugalian na sinsayaw ito ng osang babae lamang pero puwede rin naman na higit pa sa isa. Tulad ng ibang katutubong sayaw ng Pilipinas kinakailangan ng sayaw na ito ng kasuotan, tamang pagbilang at musika. * Kasuotan. Ang kasuotan ng sayaw na ito ay tinatawag na "Balintawak" kung saan ginagamitan ito ng "tapis at pañuelo". * Ang musika ng sayaw ay binubuo ng dalawang bahagi at sinsayaw sa tugtugin na kung tawagin ay "Pitoy Oras". * Bilang. Ang bilang ay mahalaga sa pagbuo ng sayaw. Pagbilang nang 1-2-3 ang ginagamit. * Pormasyon. Inuumpisahan ng mananayaw ang pagpasok sa entablado mula sa isang bahagi ng silid papunta sa gitna ng entablado kung saan haharap sa mga panauhin. Sa paguumpisa ng sayaw habang ang mananayaw ay papunta sa gitna ng entablado itnutugtog ang pangunang musika.. May mga antas ng Binasuan ang hindi dapat mawala habang sinsayaw ito upang hindi mawala ang tunay na kahalagahan at pagkakakilanlan ng sayaw. Ang mga sumusunod ang antas ng sayaw: * Inuumpisahan ng mananayaw ang pagsasayaw gamit ang kanang paa habang papunta sa gitna ng entablado na gamit ang 8 "walttz steps" habang ang baso ay hawak na nakaharap at ang mga siko ay nakalapat sa beywang. Ang susunod na galaw ay ang paglipat ng kanang kamay malapit sa dibdib at pagbaba nito sa may balakang habang nakikipagpalitan ng posisyon ang kaliwang kamay. Ginagawa ito sa loob ng 8 bilang. * Itutugtog ulit ang musika "A" kung saan ang mananayaw any magsasayaw papuntang kanan at kaliwa, sa loob ng walong bilang, habang ang kanang kamay ay itintaas sa may ulo at ang kaliwang kamay naman ay ibinababa sa may beywang habang nagsasayaw patungong kanan at kaliwa. Ang mga mananayaw ay magpapalit ng puwesto sa tuwing nagbabago ang bilang at ang kamay ay patuloy sa pagalaw. * Itutugtog ang Musikang "B". sa tugtogin na ito unang gamit ang kanang paa at hahakbang ng apat na beses pahilis habang ang kanang kamay ay pahilis din na itataas sa may ulo at ang kaliwang kamay ay pahilis sa baba ng beywang sa loob ng apat na bilang at uulit-ulitin ito.
|
|