|
Mamangha Sa Likas Na Yaman Ng PalawanPatimog mula sa Manila ay matatagpuan ang isang 2000 kilometrong isla na punong puno ng iba't ibang klase ng hayop at halaman, dagat na malakristal at kung kulang pa ang mga likas na yamang ito, ay dito rin matatagpuan ang mga libangan na talagang makakapagpawi ng pananabik ng isang dayuhan.
Sa mga Kadahilanang ito maraming dayuhan at mga pangturismong publikasyon at organisayon ang gustong gusto lagi ito ilathala at gawing susunod na destinasyon. Ang natatanging istruktura at heograpiya ng islang ito ay ang pumupukaw ng interes ng mga dayuhan at ang mapuputing buhangin sa dalmpasigan naman ay paras a mga dayuhang gusto lamang magpahinga at magsaya sa ilalaim ng araw. Ang islang probinsya na ito ay kabilang sa rehiyong MIMAROPA at ang punong syudad nito kung saan namamahay ang mga opisyal ay ang PUERTO PRINCESA. Kinikilalang pinaka malaking isla ito sa buong bansa kung sukat ng lupain ang pag uusapan. Ang lawak ng islang ito ay mula Mindoro at umaabot sa Borneo kung saan ang isla ay nakapagitna sa South China Sea sa hilagang kanluran at Sulu Sea naman sa timog silangan. At mga ilang kilometro mula sa islang ito ay matatagpuan ang controbersyal na Sprtaly Island o Kalayaan Island. Ang probinsya ng Palawan ay binubuo ng 432 na mga barangay, 23 na bayan at isang syudad. Ang buong probinsya ay my lawak na lupain na umaabot sa 14,896 kilometro. At matatagpuan sa gitnang bahagi ng isla ang malalaking bayan nito. Ang mga sumusunod ay ang mga bayan ng Palawan: * Puerto Princesa Mga Likas Yaman na Hindi dapat palampasin: MAtatagpuan sa islang ito ang Tubbattaha Reefs, Coron Reefs, El Nido Marine Reserves at iba pang likas yaman na siguradong magugustuhan ng mga dayuhan at babalik-balikan. * Tubbattaha Reefs. Ito ay itinuturing na santuwaryo at isa sa mga ipinagmamalaki ng isla. Naideklara ito na World Natural Heritage ng UNESCO. Sa mga nagbabalak na bumisita dito, pinakamainam ang bumisita tuwing kalagitnaan ng Marso hanggang Hunyo. Sa Isla ng Palawan din matatagpuan ang sub-teranean river at Honday Bay. Isa lamang ito sa mga listahan ng mga likas yaman ng Palawan na dapat makita at marami pang makikita at madidiskubre dito, na siguradong magugustuhan ng mga dayuhan.
Have A Great Story About This Topic?Do you have a great story about this?
|
|