Philippine Travel Guide

          

 Blog (Latest Articles)

 Looking for Freelance Work?


 Free Directory

Submit Hotel, Restaurant and Resort Reviews

 


 

 

 

 

Mga Batikang Pintor Ng Pilipinas

A picture paints a thousand words'. Itinuturing ang katagang ito na totoo dahlia ang simpleng larawan ang maaaring magkaroon ng libu libong ibig sabihin.

May mga larawang ipinipinta at naglalarawan ng kagandahan at likas na yaman. Ang Likas na yamang ang isa sa magandang tema sa pagpipinta, ibang bagay na maaaring kunan ng inspirasyon aya ng mga tao, arkitektura at hugis.

Sa Pilipinas maraming magagaling na pintor ang kinilala, Sila ay si;

> Fernando Amorsolo
> Fabian dela Rosa
> Ang Kiukok
> Maningning Miclat
> Luis Eduardo Aute

Kinikilala sa buong mundo ang mga Pilipino dahil sa likas na galling nito sa sining at isa na dito ang mga pintor.

* Si Fernando Amorsolo ay ipinanganak sa Paco, Maynila noong Mayo 30, 1982. Kilala siya bilang isang sikat na pintor ng Pilipinas kung saan nagmamalas siya ng kagalingan sa kanyang napiling Sining. Nagtapos siya sa Lyceum at University of the Philippines kung saan umani siya ng parangal sa kursong Fine Arts. Nagtrabaho sya bilang punong pintor ng Pacific Commercial Company, draftsman ng Bureau of Public Works at naging part-time na guro sa University of the Philippines. Enrique Zobel de Ayala ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapagaral sa Academia de San Fernando sa Madrid, Spain. Dalawang beses siya nagasawa at my supling na labing apat. Kilala ang kanyang mga gawa na naglalarawan ng mga tanawin sa bukid at tila maliliwanag na pinta ng tanawin. Paboritong paksa ng pintor ang mga kagawiang Pilipino, kultura at mga piyesta. Ayon sa karamihan ang mga gawa ng pintor na ito ay sumasalarawan ng tunay na Pilipino.

Ang mga sumusunod ay ang mga kilalang gawa ni Fernando Amorsolo:

* The Bombing of the Intendencia (1942)
* Bataan
* Assasination of Governor Bustamanta
* The Burning of Manila
* Afternoon Mealof the Workers (1939)
* Dalagand Bukid (1936)
* The Explosion (1944)
* The Mestiza (1943)
* Maiden in a Stream (1921)
* Princess Urduja
* Sunday Morning Going to Town
* The Rape of Manila (1942)

Fabian dela Rosa ay ang tiyuhin ng kilalang pintor na si Fernando Amorsolo. Ang kanyang tiyahin na si Mariana dele Rosa ay ang kanyang unang naging guro. Noong siya ay nagaaral pa lamang sa Escuelle de Bellas Artes y Dibujo ay nakapagaral din siya nagpagpipinta mula naman sa gurong si Agustin Saez. Nakatanggap din siya ng iskolarsip mula sa Germinal Cigar Factory kung saan nakapagaral siya sa Academie Julian in Paris, France. Naging guro din sya ng Fine Arts sa University of the Philippines na kalaunan ang naging direktor siya ng paaralan.

Nakapinta sya nang mahigit 1000 na pinta,Ang mga sumusunod ay ilan lamang;

* Women Working in a Rice Field
* The Death of General Lawton
* Transplanting Rice (1904)
* La Pintora (1926)
* La bordadora (1926)
* Landscape with Dark Trees
* Marikina Road (1939)
* View of Sta. Ana

Si Kiukok ay ipinanganak sa Davao, City noong May 1, 1931. Kilala siya bilang visual artist at kinikilala bilang isa sa mga pambansang pintor na Pilipinas. Ang kanyang mga magulang ay kalahating Intsik at kalahating Pilipino. Nag aral siya sa University of Sto. Thomas kung saan nakilala niya ang kanyang guro at kalaunan naging matalik na kaibigan na si Vicente Manansala.Gumamit siya ng iba't ibang istilo sa pagpipinta tulad ng cubism, surrealism, at expressionism. May mga naipinta din siyang iba't ibang larawan ng Panginoong Hesus na nasa krus.

Maningning Miclat ay ipinanganak sa Beijing, China noong April 15, 1972 ngunit isa siyang Pilipino. Kilala siya sa kanyang gawa na kung tawagin ay bamboo zen at mga Panulat. Nakakapagsalita siya nang tatlong lingwahe; Filipino, English atMandarin. Naging bahagi sya ng University of the Philippines' National Writers Workshop at Siliman National Writers Workshop.

Ang mga sumusunod ay ang iba sa kanyang mga Panulat;
* Wo De Shi - Ang unang libro ng mga tula na nailathala noong 1987
* Maningning: An Exhibit of Chinese Brush Works - ay ang kanyang unang pagtatanghal ng kanyang Chinese Painting
* Trouble in Paradise - pangalawang libro ng kanyang panulat kung saan nanguna it sa Art Association of the Philippines.
* Voice from the Underworld - A 2001 National Book Award Finalist.

Luis Eduardo Aute ay ipinanganak sa Maynila noong Setyembre 13, 1943. Ang kanyang ama ay isang Kastila at ang kanyang ina ay Pilipino. Nagumpisa siyang maglakbay sa edad na 8. Kinanta niya at isinalin ang kantang Las Hojas Muertas (The Dead Leaves). Una niyang naisulat ang isang tula sa edad na 9 kung saan naimpluwesyahan sya ng pelikulang 'On the Waterfront'.

***C2_invitation_22709463***

Share

       FREE NEWSLETTER

Sign up for the FREE Newsletter
to receive latest updates
and articles on popular Philippine destinations, hotels & resorts,
beaches, recipes and much more.

Name:
Email:
Don't worry -- your e-mail address is totally secure. I promise to use it only to send you Philippine Travel Guide Insider Alert Newsletter.


>

Subscribe To
Subscribe To This Site

XML RSS
Add to Google
Add to My Yahoo!
Add to My MSN
Add to Newsgator
Subscribe with Bloglines

 

 

 

 

  © Copyright 2007. Philippine Travel Guide. All Rights Reserved. Powered by SiteSell.com. Reproduction in whole or in part without permission is prohibited. Most external sites will open in a new window;not endorsed by philippine-travel-guide.com