Philippine Travel Guide

          

 Blog (Latest Articles)

 EARN EXTRA INCOME


 Looking for Freelance Work?


 Free Directory

Submit Hotel, Restaurant and Resort Reviews

 


 

 

 

 

Pagdiskubre Sa Kahanga-hangang Kagandahan Ng Bulkan Ng Mayon

Sa Pilipinas ay matatagpuan ang 18 aktibong bulkan at ang isa sa pinakakilala at kinakatakutang bulkan ay ang Bulkan ng Mayon.

Sa katunayan kung ililista ng isang tao ang mga magaganda at likas yaman ng bansa laging kabilang ang Bulkan ng Mayon. Kilalanin muna natin ang kapuluan kung saan matatagpuan ang Bulkan na ito. Ang kapuluan ng Pilipinas ay binubuo ng 7100 na maga isla at karamihan sa mga islang ito ay pinanggagalingan ng mga bulkan. May 37 bulkan na matatagpuan sa PIlipinas ang iba nito ay pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na aktibo kung saan minsan na itong sumabog at inaasahan pang sasabog. Samantalang ang karamihan naman ay itinuring na tulog na bulkan o patay na bulkan.

Pinakakilalang Bulkan Sa Pilipinas

* Mount Mayon
* Mount Pinatubo
* Taal Volcano

Ang mga bulkan na ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Samantalang sa timog bahagi ng Pilipinas ay matatagpuan ang bundok ng Apo sa Mindanao. Ang Bulkan ng Mayon ang pinakaaktibo at kilalang bulkan sa buong bansa dahil sa natural na kagandahan nito na matatagpuan sa Albay, Bicol.

Ang bulkan na ito ay kilala dahil sa halos perpektong hugis cone nito. Ang hugis na ito ay epekto ng pagdaloy ng pyroclastic at lava na nagmula sa nakalipas na pagsabog nito. Kailan lamang pinarangalan bilang isa sa " New 7 Wonders of the World" ang Bulkan ng Mayon.

Ayon sa kasaysayan 47 beses ng sumabog ang bulakan na ito sa loob ng nakalipas na 400 taon. Ang pinakaunang pagsabog nito ay naganap noong1616 at ang huling pinakamalupit na pagsobog nito ay nangyari noong 2006. Ang bulakang ito ay matatagpuan sa hangganan ng Eurasian at Pilipinas.

Ngunit nakaukit na sa kasaysayan ang pinakamatinding pagsabog na bulkang ito noong 1814 ika-1 ng Pebrero kung saan naglabas ito ng maiitim na abo at lava. At umabot ang pagsabog nito sa kalapit na bayan at natakpan ang mga bahay doon. Kasali sa natabunan ang lumang simbahan ng Cagsawa kung saan tangging "Bell Tower" na lng ng simbahan ang makikita sa bayang ito at nakatayo na paalala ng lupit ng Bulkan ng MAyon Samantalang naapektuhan din ang mga kalapit bayan dahil sa maitim na abo na umabot sa iba't ibang bayan. Ayon sa tantiya aabot ng 2,200 na tao ang nasawi sa pangyayaring ito.

Samantala noong 1897 ika-23 ng Hunyo naitala ang pinakamatagal na pagsabog ng Bulkang Mayon na umaabot ng 7 araw na walang tigil sa paglabas ng apoy at lava. Ang Bulkan ng MAyon ay parte din ng "Pacific Ring of Fire"

Sa kasalukayan ang Bulkan ng Mayon ay itinuturing na Pambansang Parke ng "Republic Act 3915" binuo ito noong 1932 ika-1 ng Pebrero kung saan maaring gawing Pambansang Parke ang mga lugar na katulad nito. At noong Oktubre ng parehong taon, ang buong sukat ng bulkan ay itinanghal na Forest Reserve sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 341 at noong 1938, inihayag ni Presidente Quezon ang Bulakng Mayon bilang Pambansang Parke. Sinundan din ito ni Presidente Estrada at sa pamamagitan ng Proclamation No. 143.

Kilala din ang Bulkan ng Mayon sa malawak na lupa nito kung saan namumuhay ang iba't ibang uri ng halaman at hayop. At ang iba sa mga uri ng halaman dito ay protektado ng Convention of International Trade of Endangered Species or the CITES kung saan nakalista ang tulad ng Pitcher plant at Tree Ferns. Ang pagakyat sa bulkan na ito ay isa sa maaaring paglibangan ng mga lokal na mamamayan at ng mga dayuhan. Maari din makipagtulungan sa Department of Tourism o DOT.

***C2_invitation_22709463***

Filipino business opportunity

Share

       FREE NEWSLETTER

Sign up for the FREE Newsletter
to receive latest updates
and articles on popular Philippine destinations, hotels & resorts,
beaches, recipes and much more.

Name:
Email:
Don't worry -- your e-mail address is totally secure. I promise to use it only to send you Philippine Travel Guide Insider Alert Newsletter.


>

Subscribe To
Subscribe To This Site

XML RSS
Add to Google
Add to My Yahoo!
Add to My MSN
Add to Newsgator
Subscribe with Bloglines

 

 

 

 

  © Copyright 2007. Philippine Travel Guide. All Rights Reserved. Powered by SiteSell.com. Reproduction in whole or in part without permission is prohibited. Most external sites will open in a new window;not endorsed by philippine-travel-guide.com