|
Pagtantiya Ng Populasyon Ng PilipinasInaasahang dodoble ang populasyon ng Pilipinas sa loob ng 29 na taon. Ito ang pananaw ng mga taga National Statistics Office kung saan ginawa nilang basehan ang resulta na kanilang surbey na ginagawa tuwing ika-10 taon.
Ayon sa kanilang surbey, umaabot na nang 76,504,077 ang mga Pilipino noong Mayo, 2000 lamang. Nakitang tumaas ito ng 10.31% mula noong 1995. At ang kasalukuyang bilang ng populasyon ng Pilipinas ay 10 beses ang dfami noong 1903 kung saan unang isinagawa ang pagaaral. Sa pag aaral ng NSO nakikitang 2.36 ang karaniwang tinataas ng populasyon ng Pilipinas. Malaki itong dagdag sa naiulat na bumabang populasyon ng Pilipinas noong 1970. Matatandaan na naiulat na ang pinakahuling pagtaas ng populasyon ay nangyari noong maga taong 1948 hanggang 1960. At sa kasalukuyan hinihinalang dodoble ang populasyon ng Pilipinas sa loob ng 29 na taon sa kasalukuyang takbo ng pagdadagdag sa populasyon. At ang karamihan sa populasyon na ito ay matatagpuan sa Luzon. Luzon may pinakmataas na populasyon * Luzon 55.97 % ng populasyon Luzon may 7 rehiyon, Mindanao may 6 na rehiyon at Visayas may 3 rehiyon. Ito ang 10 sa mga nangungunang may maraming populasyon sa mga rehiyon ng Pilipinas: 1. Southern Tagalog 15.42 % Sa 16 rehiyon sa Pilpinas matatagpuan sa timog ng Luzon ang pinakamatas na populasyon ng Pilipinas. May 11,793,655 mamayan dito, sumusunod naman ang NCR na may bilang na 9,932,560. Kung pagsasamahin ang mga ito at ang buong rehiyon na kabilang ito aabot ng 38.90% ang populasyon. Samantalang matatagpuan sa ARMM o Administrative Region for Muslim Mindanao ang mabilis na pagtaas nang populasyon na may 3.86%. habang ang Timog katagalugan naman ay may 3.72% at Gitnang Luzon na may 3.20%, Central Visayas 2.80% at Timog Mindanao na may 2.60%. Samantalang At sa ibang bahagi ng bansa naman ang Davao ay umabot din ng 1.15 milyon Pilipino. Maitatala na kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay nasa edad ng 21. At mas marami ang bilang ng mga kalalakihan kontra sa kababaihan. ***C2_invitation_22709463***
|
Share
|