|
Pandanggo Sa Ilaw- Pagbalanse Ng Mga IlawPandanggo o Pandanggo sa ilaw ay kilala sa wikang Inglis 'Fandango with the Light'.
At mula sa pangalan ng sayaw nanggagaling ang paraan ng pagsasayaw kung saan ang pangunahing kasangkapan ng sayaw ay ang ilaw. Sa Isla ng Lubang, Mindoro unang kinilala ang sayaw na ito. Ang salitang "pandanggo" ay nagmula sa salitang ingles na "fandanggo" na ayon sa mga kastila ay isang sayaw na nagmula sa Espanya. Ang sayaw na ito ay binubuo ng pagtaguktok ng Kastenyedas, paglagitik ng mga daliri at pagbagsak ng mga paa sa sahig sa tugtugin na may kabilisan. Ang mananayaw ng Pandanggo ay tinatawag na 'pandanggera'. At isang pandanggera ay nagsasayaw ng pandanggo na may hawak na 3 lampara na kung tawagin ay 'tinghoy'. Sa ibang bersyon ang 'Oasiwas' ay ang sayaw kung saan halos magkapareho ang mga galaw ng sayaw ng pandanggo. Ang sayaw naman na ito ay nagmula sa Lingayen, Pangasinan. Ang probinsyang ito ay kilala sa kanilang industriya ng palaisdaan kung saan pagkatapos nila matagumpay sa pangingisda ay nagdiriwang sila na may pagkain, inuman at sayawan, dito umiikot sila habang may hawak na mga ilaw sa kamay at winawasiwas ang mga ilaw, dito nagmula ang pangalan na 'Oasiwas' na ang ibig sabihin ay pag wasiwas. Ang kakaibang sayaw na ito ng Pangasinan ay isang makulay na sayaw kung saan ang mga mananayaw ay nagsasayaw na binabalanse ang ilaw na lampara na nakaputong sa ulo at pagikot ikot ng mga kamay na may ilaw din na may nakabalot na tela o lambat ng isda. Ang musika ng sayaw na ito ay kahawig ng tugtugin ng pandanggo. Ang tradisyonal na sayaw na ito ay ang sentro ng kilalang pagdiriwang sa Oriental, Mindoro. Ang sayaw na ito ngayon ay kilala din bilang isang ritwal na ginagawa ng mga babae bago pumalaot at pagbalik ng mga mangingisda. Sa Oriental Mindoro ang kilalang pagdiriwang na ito y tinatawag na 'Pandang Gitab' o 'Festival of Lights', kung saan sentro ng pagdiriwang ang tradisyonal na sayaw na ito. Nabuo ang pangalan ng pagdiriwng na ito mula sa pangalan ng Pandanggo sa Ilaw at Dagitab na ang ibig sabihin sa ingles ay flicker of light. Isinasagawa ang pagdiriwang na ito tuwing ikalawang linggo ng Nobyembre, Ang pagdiriwang na ito ay bagong sinimulan upang maipakita ang kultura at sayaw ng probinsya, dinadayo ito ng mga dayuhan at lokal na mamamayan. Ang mga sumusunod ay karaniwang partisipante ng pagdiriwang; * Paaralan Ang typical na Pangdanggo sa Ilaw na sinasayaw sa baybayin ng Oriental Mindoro at Pangasinan ay isinasagawa bilang isang ritwal para sa mga mangingisdang pumpalaot ay isinasayaw din bilang ritwal sa pagsalubong partisipante ng pagdiriwang. Ngunit sa pagdiriwang na ito ng Oriental Mindoro ang sayaw ay dinadala mula sa baybayin hanggang sa kalye ng lungsod kung saan ang mga mananyaw ay may hawak na mga ilaw, kung saan ang kalye ng Oriental Mindoro ay maihahalintulad sa oasis ng mga ilaw kung saan ang mga participante ay nagsusuot ng magagarang kasuotan, tulad nang barong at mga damit na makukulay, meron din simple at meron din magagarang kasuotan, ngunit karaniwang ginagamit ang kulay dalandan sa mga kasuotan at palamuti. Ang mga mananyaw na may mga ilaw na nakalagay sa mga bao, baso at kabebe ay pinagtitiisan ang init habang binabaybay ang 2-km na haba ng kalye ng parada. LAyunin ng pagdiriwang ang maipakilala ang turismo ng bayan at kilalanin ang tradisyonal na sayaw na Pandanggo sa Ilaw. ***C2_invitation_22709463***
|
Share
|