|
Pelikulang Pilipino- Salamin Ng Kaluluwa At Kulturang PilipinoPelikulang Pinoy ay hindi lamang isang libangan ng mga Pinoy, ito ay sumasalamin sa kulturang Pilipino at paghubog ng pagkakakilanlan.
Mapagmamasdan ang tindi ng impluwensya ng pelikulang pinoy pagkatapos ito maipalabas sa mga sinehan, patunay nito ang mga iba't ibang bersyon ng isang pelikula at ang mga klasikong linya na kahit ilang taon na ang nakalipas ay ginagamit pa rin sa kasalukuyan. At ang mga sumusunod ay ang halimbawa ng mga linyang ito: * 'Para kang karinderyang bukas para sa lahat ng gusting kumain'! Ngunit ang mga dyalogo na ito ay malayong malayo kung ikukumpara sa mga unang pelikula na lumabas sa PIlipinas. Ang pinakaunang pelikulang nailabas sa Pilipinas ay noong 1919, at ito ay ang 'Dalagang Bukid' ni Jose Nepomuceno kung saan walang tunog ang lumabas dito. Sa Panahon ng Ikalawang pandaigdigang Digmaan ginamit ang induriya ng Pelikula bilang isang propaganda na ginagamit sa digmaan. 1950 ay ang itinuring na 'Golden Age' ng industriyang pelikula. Sa taong ito nagumpisang kilalanin ang 4 na higanteng kumpanya na gumagawa ng pelikula. At ito ang mga sumusunod: * LVN Pictures Ang mga kumpanyang ito ay gumawa ng mga de-kalibring palabas sa Pilipinas na pumatok sa panlasang Pilipino at tumatak na sa mga buhay ng Pilipino. Umaabot ng 350 na pelikula ang ipinapalabas taon taon kumpara sa kasalukuyang panahon, maikukumpara talaga na malaki ang ibinaba ng industriya. Taong 1960 nang nagumpisang magexperimento ang mga direktor sa paggawa ng pelikula. Lumabas ang mga 'bomba films, at sa ibang bansa ay nakilala ang James Bond. At sa taong din na ito natapos ang pamamayagpag ng pelikulang musikal. At taong 1970 ng itinuring itong pangalawang 'Golden Age' ng industriyang Pilipino. ***C2_invitation_22709463***
|
Share
|