Philippine Travel Guide

          

 Blog (Latest Articles)

 Free Directory

Submit Hotel, Restaurant and Resort Reviews

 


 

 

 

 

Regine Velasquez- Songbird Lumilipad At Sumasalimyog Pataas

Regine Velasquez o Regine Encarnacion Ansong Velasquez ay ipinanganak sa Maynila, Philippines noong ika-22 ng Abril, 1970. Napansin na ka agad ng mga magulang ni Regine ang kanyang talento sa pagkanta noong siya ay bata pa lamang. At ito ang nagtulak sa kanila upang isali si Regine sa madaming patimpalak ng pagkanta, lokal man o nasyonal subalit, ni minsan ay hindi nanalo si Regine sa mga patimpalak na ito, ngunit hindi ito importante sa kanyang mga magulang dahil ang importante sa kanila ay ang daan patungong tagumpay. Nang lumipat ang pamilya sa Leyte nagkaroon ng pagkakataon si Regine makatrabaho ang ilang maimpluwensiyang guro sa pagkanta, idagdag pa ang kakaibang ritwal na ginagawa ang ama ni Regine upang tumibay at gumanda pa ang boses niya. Sa kasalukuyan ang ritwal na ito ay hindi pa tiyak subalit naging epektibo ito para kay Regine.

Lipad papuntang Kasikatan

* Amateur Singing Contest- ay ang Patimpalak para sa mga baguhang mangaawit, umabot ng 200 na patimpalak ang sinalihan ni Regine at 67 dito ay kanyang napanalunan.
* The Break- Kung saan nagumpisa ang lahat. Ang pinakamakahulugang pagawit kung saan nagumpisa ang lahat at naglagay sa kanya sa kanyang kasalukuyang kinalalagyan. Sumali siya sa Bagong Kampeon isang patimpalak sa nasyonal na telebisyon. NAging paborito siya ng mga manonood at tagahatol at ang kantang 'In your Eyes' ay ang awit na naipanalo niya at naging unang single niya sa isang lokal na recording studio.
* Appearances- Mga paglabas niya sa telebisyon. Matapos manalo sa patimpalak ay dumami ang nais maksaksi sa talento niya at dumami din ang mga TV guestings niya kung saan una niyang naramdaman na isa na siyang kilalang tao. 1987 ay ang kanyang pinakamahalgang paglabas sa publiko.
* Meeting the Right Person- ay nang makilala niya ang kanyang kasalukuyang manager na si Ronnie Henares isang 'icon' kung ituring ng Industriya ng Musika sa Asya. Nakilala niya ang manager na ito noong siya ay nagpaunlak sa paglabas sa isang talk show. Nagtrabaho sila sa unang album ni Regine na pinamagatang "Regine" noong 1987 at ito ang simula ng mahabang karera ni Regine bilang isang mangaawit.

Ngunit hindi dito nagtapos ang lahat ninais ni Regine Velasquez na hindi lamang sa Pilipinas makilala kaya nagsikap siya na makilala din sa ibang bansa. Kaya nang napili siya bilang kumakatawan ng bansa sa isang patimpalak noong 1989 Asia-Pacific Singing Contest, ay na koronahan siyang kampiyon at ito ang nagbigay sa kanya at bansa ng karangalan. Mula noon bawat pagtatanghal ay punong-puno ng tao at bawat album na inilalabas ay lagging multi-platinum sa loob at labas ng bansa.

* Songbird Sings the Classics
* R2K
* Drawn.
* Regine

Bukod sa industriya ng Musika ay kinilala din siya bilang endorser ng malalaking food chain ng Amerika tulad ng KFC at Wendy's. Lumabas din siya sa ilang Pelikulang Pilipino at naging host din sya ng sariling patimpalak sa telebisyon na 'Star for a Night' at 'Pinoy Pop Super Star'.

Si Regine din ang kaunaunahang Pilipino na nagsolo concert sa Carnegie Hall. Kinilala din ang kanyang album na 'Listen without Prejudice' sa ibang bansa at nabigyan ito ng Platinum Certificate. Isa si Regine sa may pinakamaraming album na naibebenta sa bansa, umaabot ng 5 milyong album ang naibebenta sa bawat klase ng album na nilalabas ni Regine. Umaabot din ng MTV Asia at Channel V music charts ang mga awit ni Regine.

Nakatrabaho niya rin ang ilang artist mula sa ibang bansa tulad nila;

1. Jacky Cheung
2. Paul Anka
3. David Hasselhoff
4. 98 Degrees
5. Brian McKnight
6. Mandy Moore
7. Ronan Keating
8. Stephen Bishop
9. Jim Brickman
10. Peabo Bryson
11. Jeffrey Osborne
12. Dave Koz,
13. Lea Salonga
14. Grasshopper
15. Coco Lee
16. Michel Legrand
17. David Pomeranz
18. Eduardo Capetillo
19. Billy Crawford

Industriya ng Pelikula

Ang kanyang kasikatan bilang isang mangaawit ay nakatulong sa kanya upang mapasok ang Industriya ng Pelikula. At ang iba sa kanyang mga pelikula an gang mga sumusunod:

* The Untouchable Family - 1987, kung saan una siyang lumabas bilang apo ng isang mafia clan na mga criminal.
* Pik Pak Boom- 1988 kasama siyang lumabas sa pelikulang ito na kasama ang mga kilalang artista na sila, Lea Salonga, Herbert Bautista, Dingdong Avanzado, at Bing Loyzaga.
* Elvis and James- gumanap siya bilang isang nerd na mahilig sa musika at babaeng pinagaagawan na dalawang komedyante na sila Joey de Leon at Rene Requistas.
* Wanted Perfect Mother- Unang lead role ni Regine kung saan katuwang niya ang batikang actor ng Pilipinas na si Christopher de Leon.
* Do Re Mi- gumanap siya bilang isa sa pangunahing aktres sa isang musikal na pelikula kasama sila Mikee Cojuangco at Donna Cruz.
* Honey Nasa Langit Na Ba Ako- ay pelikulang nilabas noong 1998 kung saan gumanap siya bilang isang multo na namatay isang araw ago ang kanyang kasal sa isang aksidente.
* Pangako Ikaw Lamang- kung saan kinilala siya bilang Box-Office Queen noong 1998 ng The Guillermo Mendoza Scholarship Foundation.
* Dahil May Isang Ikaw- pelikulang romantiko kung saan katuwang niya ang isa din sa batikang actor ng Pilipinas na si Aga Muhlach.
* Kailangan Ko'y Ikaw- Isang pelikula tungkol sa isang sikat na mangaawit na umibig sa isa sa mga tagahanga niya na ginanapan ng aksyon star na actor ng Pilipinas na si Robin Padilla.

Hindi pa dito tumigil si Regine Velasquez, patuloy niyang ibubuka ang kanyang mga pakpak upang maabot ang bawat pangarap. Maaaring hindi pa niya naaabot ang kasikatan sa Hilagang bahagi ng Amerika subalit patuloy niyang ipapakita at paghuhusayin ag talento at sarili upang isang araw ito ay makamit.

Have A Great Story About This Topic?

Do you have a great story about this?

Do you want to contribute to the site? Share it!

Enter Your Title

Tell Us Your Story![ ? ]

Upload 1-4 Pictures or Graphics (optional)[ ? ]

Add a Picture/Graphic Caption (optional) 

Click here to upload more images (optional)

Author Information (optional)

To receive credit as the author, enter your information below.

Your Name

(first or full name)

Your Location

(e.g., City, State, Country)

Submit Your Contribution

Check box to agree to these submission guidelines.


(You can preview and edit on the next page)

Share

       FREE NEWSLETTER

Sign up for the FREE Newsletter
to receive latest updates
and articles on popular Philippine destinations, hotels & resorts,
beaches, recipes and much more.

Name:
Email:
Don't worry -- your e-mail address is totally secure. I promise to use it only to send you Philippine Travel Guide Insider Alert Newsletter.


>

Subscribe To
Subscribe To This Site

XML RSS
Add to Google
Add to My Yahoo!
Add to My MSN
Add to Newsgator
Subscribe with Bloglines

 

 

 

 

  © Copyright 2007. Philippine Travel Guide. All Rights Reserved. Powered by SiteSell.com. Reproduction in whole or in part without permission is prohibited. Most external sites will open in a new window;not endorsed by philippine-travel-guide.com