Philippine Travel Guide

          

 Blog (Latest Articles)

 EARN EXTRA INCOME


 Looking for Freelance Work?


 Free Directory

Submit Hotel, Restaurant and Resort Reviews

 


 

 

 

 

Sinulog At Pagmamahal Sa Santo Nio

Isa sa pinakamalaki ang at kilalang pagdiriwang ng piyesta sa Pilipinas ay ang Sinulog.

Isa ito sa dinadayo ng mga dayuhan sa Pilipinas lalo na sa rehiyon ng Cebu City. Ang Sinulog ay katulad din ng ibang piyesta sa rehiyon ng Pilipinas kung saan relihiyon ang pundasyon nito. Ang pagdiriwang ay ginaganap tuwing ikatlong Linggo ng Enero at ito ay inaalay sa patron ng Cebu City na ang batang si Hesus o Santo Nino.

Ang pagdiriwang na ito ay pagtatanghal ng isang ritwal na sayaw na nagpapaalala ng pinagmulan ng paganong paniniwala at pagtanggap ng relihiyong Kristyano.Ang Kristiyanong paniniwala ay nagmula sa mga Kastila. Subalit ayon sa mga mananaliksik ang ritwal na sayaw na ito ay una nang sinasayaw ng mga katutubo bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito ay isinasagawa bilang alay ng mga katutubo sa kanilang mga diyus-diyusan na ang tawag ay mga 'anitos'.

Unang umapak sa isla ng Pilipinas ang mga Kastila noon ika-7, ng Abril, 1521 at ito ay pinamunuan ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na manlalayag. Tinayo niya ang isang krus sa baybayin ng isla at inangkin ang islang ito para sa Hari ng Espanya. Bingyan ni Ferdinand Magellan ng imahe ng Batang Hesus ang asawa ni Rajah Humabon bilang regalo nito matapos mabinyagan bilang Kristyano, sumunod din nagpabinyag ang mga 800 na katutubong nasasakopan ni Rajah Humabon.

At sa parehong pananaliksik naitala na nang natanggap ng Reyna ang imahe ng batang Hesus ito ay napasayaw sa saya habang hawak hawak ang imahe, at habang sumasayaw ang Reyna ito ay sinabayan ng ibang katutubo at ito ang unang naitala na Sinulog. Ito ang naging basehan ng kasalukuyang Sinulog kung saan isinasadula ang pagdating ng mga Kastila sa isla at pagtanggap ng mga katutubo sa relihiyong Kristyano kasali din sa pagsasadulang ito ang pagtanggap ng Reyna ng imaheng batang Hesus. Marami nang nagbago at bersyon sa ritwal ng Sinulog ngunit ang pinakakilalang bersyon ng ritwal ay ang pagsayaw ng reyna habang hawak ang imahe ng Pilipinas, at ginamit niya ito upang manggamot ng mga maysakit at na sasapian ng masasamang espiritu.
Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang 'sulog' na ang ibig sabihin ay agos ng tubig. Madalas din ginagawang bahagi ng sayaw ang galaw ng tubig. Ang paggalaw na ito ay sinsayaw ng dalawang hakbang paharap at isang hakbang pabalik at sinsabayan ng tugtug ng tambol.

Ang tradisyonal na pagsayaw ng ritwal ay patuloy parin ginagawa hanggang sa kasalukuyan. Ang tradisyonal na ritwal na ito ay isinasagawa ng mga nagtitinda ng kandila malapit sa Basilica. Ang mga nagtitinda dito ay nagsasayaw ng ritwal sa tuwing magsisindi ng kandila ang mga bumibili ng kandila at ang pagsasayaw na ito ay sinsabayan ng pagawit gamit ang kanilang katutubong wika. Sinasabing ang ritwal na ito ay alay kay Baladhay, ang punong tagapayo ni Rajah Humabon.

Sinsabing dinapuan ng malubhang sakit si Baladhay at siya ay dinala sa kapilya kung saan nakalagay ang imahe ng batang Hesus matapos ang ilang oras ay gumaling si Baldhay ay sumayaw nga buong sigla at ang sayaw na ito ay nahalintulad sa galaw ng lawa. At katulad ng parehong galaw hanggang ngayon ay sinasayaw pa rin ng mga deboto ng rehiyon ng Batang Hesus ang sayaw ni Baladhay.

Ang Piyesta ng Sinulog tuwing ikatlong Lingo ng Enero ay nagtatampok ng mga sayaw na sinasabayan ng mga instrumento tulad ng:

* Drums
* Trumpets
* Gongs

Sa kasalukuyan ang Sinulog ay hindi lamang paalala ng pagtanggap ng mga katutubo sa pananampalatayang Kristyano, Ito ay isang atraksyon para sa mga dayuhan at Pilipino na dumadayo sa rehiyong ito upang masaksihan ang ritwal na ito.

***C2_invitation_22709463***

Filipino business opportunity

Share

       FREE NEWSLETTER

Sign up for the FREE Newsletter
to receive latest updates
and articles on popular Philippine destinations, hotels & resorts,
beaches, recipes and much more.

Name:
Email:
Don't worry -- your e-mail address is totally secure. I promise to use it only to send you Philippine Travel Guide Insider Alert Newsletter.


>

Subscribe To
Subscribe To This Site

XML RSS
Add to Google
Add to My Yahoo!
Add to My MSN
Add to Newsgator
Subscribe with Bloglines

 

 

 

 

  © Copyright 2007. Philippine Travel Guide. All Rights Reserved. Powered by SiteSell.com. Reproduction in whole or in part without permission is prohibited. Most external sites will open in a new window;not endorsed by philippine-travel-guide.com