|
Tinikling Bilang Isang Sayaw At Sining
Kapag sayaw ng Pilipinas ang paguusapan mangunguna sa listahan ang sayaw na Tinikling, masasabing isa ito sa mga humubog ng kultura at pagkatao ng Pilipinas at mamayan nito. Minsan rin itong kinilalang pambansang sayaw ng Pilipinas. Ang sayaw na ito ay kilalang bilang isa sa pinakasinaunag sayaw ng bansa kung saan pinaghalo ang katutubo at Hispanic na pamamaraan ng sayaw. Makulay ang kasaysayan ng sayaw na ito, at binubuo ang sayaw mula sa paglikha ng pangalan nito at alamat ng pagkakabuo ng sayaw. Sa mga unang makakapanood ng sayaw na ito, mapapansin na ang mga unang antas ng sayaw ay ang pag-iwas ng mananayaw na matamaan ang kanilang mga paa ng gumagalaw na kawayan, ngunit sa likod ng sayaw na ito ay may mas malalim at makabagbag-damdaming kuwento. Ang sayaw na ito ay tumutukoy sa sa ibon na kung tawagin ay Tikling, ginagaya ng mga mananayaw ang galaw ng mga ibong ito habang gumagalaw at naglalakad ang mga ibon sa gitna ng mga damo, sanga ng mga puno at kung minsan mga patibong na ginawa upang sila ay mahuli. Sa sayaw na ito ginagaya ng mga mananayaw ang bilis at kaaya-ayang galaw ng mga ibon habang umiiwas sa mga sagabal at pagsubok, at ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pag iwas sa mga polo ng kawayan. At kaya nabuo ang pangalan na Tinikling na ibig sabihin ay sayaw sa kawayan. Ayon sa mga dalubhasa at mga namamsid ang sayaw na ito ay nagmula sa Visayas o partikular sa Isla ng Leyte. Isinasalarawan ng mga mamayan ditto ang pagsayaw ng Ibong Tikling kung saan pangunahing nangaling ang pangalan ng sayaw. May iba't ibang kwento at pabula rin ang naipasa mula sa mga henerayong dumaan. May isang kuwento na nagsasabi na ang pinagmulan ng sayaw ay ang mga magsasaka na napasailalim sa kapangyarihan ng mga kastila, ang mga magsasakang nawalan ng mga lupa at napilitan magtrabaho sa mga hasyenda ng KAstila at ang mga magsasakang mababagal kung magtrabaho ay pinaparusahan sa pamamagitan ng pagtayo sa gitna ng dalawang polo ng kawayan at pagdikit ng dalawang kawayan sinusubukan umiwas ng mga alilang ito ang matamaan ang kanilang paa dahil sa sakit na matatamo. Kung titingnan lalong mahihirapan magtrabaho ang mga magsasaka na naparusahan dahil sa sakit na idinulot ng parusa. At mula sa parusa ang ay nagging sayaw ito kung saan tinawag na Tinikling. Ang musika ng Tinikling ang maririnig mula sa pinaghalong musika mula sa sa gitara na impluwensya ng tug-tog Iberian, estakato at tremolos at sinasabay sa musikang ito ang pagtama ng dalawang polo ng kawayan. At dahil sa husay ng pagiwas sa mga kawayan habang sumasayaw, naging isang sining at sayaw ang Tinikling. * Ang unang apat na antas ng tinikling ay magsisimula sa pagsasayaw ng mga mananayaw na magkatapat. * At ang panghuli naman ay ang paguumpisa ng mga mananayaw sa parehong gilid ng polo ng kawayan. Ang mga kawayan na gingamit sa sayaw na ito ay nagiging instrumento din, ang mga kawayan ay binabagsak sa sahig upang makalikha ng tunog at kapag pinagdikit ang kawayan ay lumilikha din ito ng tunog hanggang sa makabuo ng disenyo ng isang musika, habang ang mga mananayaw naman mabilis sa pag iwas na matamaan ang kanilang mga paa, at habang tumatagal bumibilis din ang musika kung saan nakakapagenganyo sa mga mananayaw at panauhin. Tradisyon na itinatanghal ang sayaw na ito tuwing Lingo sa ibang probinsya. Sa ngayon ang Tinikling ay hindi na isang parusa kundi isang kaaya-ayang sayaw at sining.
|
|