|
Wikang Filipino Bilang Opisyal Na Pambansang WikaAng wikang Filipino ay kinikilala bilang opisyal na wika ng Pilipinas, Ginawa itong opisyal noong 1987 sa pamamagitan ng 1987 Philippine Constitution.
Ngunit bago pa ito ginawang opisyal maraming pagaaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinakakarapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat' ibang salik. Nagumpisa ang pagpili at pagsasaliksik ng tamang wika para sa Pilipinas noon ika-12 ng Nobyembre, 1936 at pinangunahan ito ng Komisyon sa Wikang Filipino o Commission on the Filipino Language. Ito ang ahensya na humawak ng mga usapin tungkol sa wika ng Pilipino. Layunin ng ahensiya na pagkaisahin at palaguin ang wika na pagbabasehan ng lingua franca. Sa paghahanap ng opisyal na wika ng bansa, sentro ng kanilang pananaliksik ang mga sumusunod na salik: . Tagalog ay malawak na gingamit sa mga paguusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. . Ang wikang ito ay hindi nahahati sa ilang bahagi. . Ang wikang Tagalog din ang wikang ginagamit ng Maynila at ang Maynila ang opisyal na sentro ng pangangalakal sa buong bansa. . At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero kung saan ang dalawang salik na ito ay mahalangang elemento sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa taon ding ito nagumpisa ang pagpapalago ng wika at sinundan ito ng maraming pananaliksik at paggawa ng batas. Ang mga sumusunod ay ang importanteng pangyayari sa pagpapalago ng wikang Pilipino: . 1959, kinilala ang wikang ito bilang 'Pilipino'. Layunin nito ang paghihiwalay ng wikang ito sa Tagalog na isang grupo ng etniko. . 1973 Konstitusyon, ito ang taon na ipanasa ang isang naiibang wika upang palitan ang Pilipino bilang pambansang wika, at ito ay ang 'Filipino'. Ayon sa to Article XV, Section 3(2) ng 1973 Philippine Constitution, ayon sa National Assembly na ito dapat lalo pang palaguin ang bagong wika at kilalanin ito bilang Filipino. . 1987 Konstitusyon- ay naglathala ng iba't ibang probisyon upang lalong kilalanin ang Filipino. Ngunit hindi nailathala na ang basehan ng wikang ito ay ang wikang Tagalog. Ayon din sa Article XIV Section 7 ng Konstitusyon, dapat simulan ang pagpapalaganap ng Filipino at gumawa ng hakbang upang ito'y mapanatili at gamitin ito bilang opisyal na wika sa Gobyerno at mga paaralan. Layunin ng probisyon na gawing pangunahin na wika ang Filipino sa buong bansa at mga paaralan sa rehiyon. At ang wikang ginagamit ng mga probinsya ay gawing pangalawang wika. . 1991, Bumuo ng ahensiya ang gobyerno upang itatag ang pananaliksik at paggamit ng wikang Filipino at ibang wika ng rehiyon. At ang ahensyang ito ay ang Commission on the Filipino Language at pinamunuan ito ng Presidente ng Pilipinas. Naaprubahan ang ahensyang ito noong ika-14 ng Agosto sa ilalim ng Republic Act number 7104 Ang Filipino ay kinikilala bilang Austronesian language at kinikilala din ito bilang 'standardized version' ng wikang Tagalog. Pangunahing wika ng Maynila ang Filipino at ang wikang Tagalog ay karamihang ginagamit sa ibang rehiyon ng Pilipinas at pangalawang wika sa ibang rehiyon. Have A Great Story About This Topic?Do you have a great story about this?
|
|